|
Expertise
Paano ginagawa ang instant na kape
January 2009
BAHAGI na ng buhay nating mga Pilipino ang pag-inom ng instant na kape lalo na sa umaga’t hapon. Ito ang unang inihahanda sa mga pagtitipon-tipon, gaano man kalaki o kaliit.
Pero marahil maging sa ngayon ay nagtataka kayo kung paano ginagawa ang instant na kape, at kung ito ba’y totoong kape o hindi.
“Ang instant na kapeng katulad ng NESCAFE Classic ay 100% purong kape. Nagmumula ito sa de-kalidad na coffee beans,” paliwanag ni Rudy Trillanes, isang eksperto sa kape mula sa Nestle Philippines, ang gumagawa ng nangungunang brand ng kape sa Pilipinas.
Dumaraan sa masusing proseso ang green coffee beans bago marating ang powdered form nito na madaling ihalo sa mainit na tubig. Sa pagbili pa lamang ng Nestle sa mga coffee buying stations, pinipili lamang ang mga beans na pasado sa high quality standards ng NESCAFE.
“Ang mga napiling green coffee beans ay daraan sa proseso ng roasting. Dito sila sumasailalim sa mga pagbabago katulad ng kulay at pisikal na komposisyon. Lumalabas rin dito ang kanilang natatanging lasa at aroma. Pagkatapos ay gigilingin ito at idadaan sa prosesong tinatawag na spray-drying,” ani Trillanes.
Sa spray-drying, dumaraan sa matinding init ang kapeng may halong tubig. Walang kahit anumang kemikal ang inilalagay dito. Ang init ang nagpapahiwalay sa purong kape, na natutuyo bilang powder o kaya’y granules, at tubig na nagiging vapor
Ang mga powder o granules na ito ay inilalagay sa mga garapon o kaya’y sa mga foil packs at sachets. At mula duon, ang mga ito ay ibinabahagi sa mga tindahan kung saan libo-libong Filipino ang nagkakaroon ng pagkakataon na malasap ang lasa at aroma ng tunay na kape.
Ang ganitong metikulosong proseso ang siyang dahilan kung bakit patuloy na naiibigan ng maraming Pilipino ang NESCAFE noon at magpahanggang sa ngayon. |