|
Expertise
NESCAFE samalamig, trip ni Alex ‘pag summer
May 2009
KAPAG ganitong matindi ang init ng araw, gusto ni Alex Gonzaga na inumin na malamig ang kanyang paboritong kape kaya naman trip na trip n’ya ang mga NESCAFE Classic Samalamig Recipes.
“Mahilig talaga ako sa iced coffee lalo na ‘pag ganitong summer kaya perfect sakin ang NESCAFE Classic Samalamig recipes,” sabi ng 21-anyos na host ng Juicy at isa sa mga bida ng Loko Moko ng TV5.
Paborito ang NESCAFE Classic Samalamig
Ang mga Samalamig recipes ay sadyang ginawa ng NESCAFE Classic para sa tag-araw. Ito ay gumagamit ng NESCAFE Classic kasabay ang iba pang mga sangkap na matagal ng nakahiligan ng mga Pinoy katulad ng sago, gulaman, saging, at tsokolate.
“Favorite ko yung Black Coffee Cooler kasi mahilig ako sa black coffee. Si mommy, iniisa-isa nyang gawin yung mga recipes. Madali lang kasi gawin dahil yung mga ingredientds makikita mo din sa bahay o kaya madaling bilhin. Hindi mo na kailangang gumastos ng malaki,” ani Alex na isa ring estudyante ng BS Education sa University of Asia and the Pacific.
Napansin si Alex sa mundo ng showbiz sa “Pangarap na Bituin” ni Sarah Geronimo, pero mas lalong nakilala ang nakababatang kapatid na ito ni Toni Gonzaga sa “My Girl” bilang palabirong kaibigan ni Kim Chui.
Recipe: Black Coffee Cooler
Combine 1 liter water, ½ cup NESCAFÉ Classic and ½ cup sugar in a pitcher. Serve with ice. Make 8-10 servings.
|