Whether you have years of work experience or you just graduated, there’s a job opportunity for you at Nestlé. Search for jobs here.
Doble Tibay mula sa BEAR BRAND® FORTIFIED
Karamihan ng mga batang Pilipino ay may kakulangan sa importanteng micronutrients tulad ng Iron, Zinc, Vitamin C at Vitamin D. It ay ayon sa 2019 Expanded National Nutrition Survey ng Food and Nutrition Research Institute-Department of Science and Technology (FNRI-DOST).
Ang micronutrients ay mga vitamins at minerals na kailangan para lumaking healthy at matibay ang mga bata. Bagamat maliliit na halaga lang ang kailangan ng ating katawan, hindi mapapantayan ang mahalagang role ng mga ito para ang mga bata ay may matibay na resistensya laban sa sakit at laging may lakas araw araw. Kung kaya, dapat laging sapat ang supply ng micronutrients.
Pero mga kasambuhays, alam niyo ba na ang micronutrient deficiency – bagamat laganap – ay kaya nating labanan? Ito ay sa pamamagitan ng pagbigay ng masustansyang pagkain araw- araw at ng fortified milk, tulad ng BEAR BRAND® FORTIFIED.
Ang bagong BEAR BRAND® FORTIFIED ay tanging fortified milk na may Doble Tibay para tulungang lumaking matibay ang mga batang Pilipino. Bawat baso ay may Tibay Resistensya nutrients- 100% Vitamin C, high in Iron and Zinc para sa matibay na resistensya. At ngayon, may Tibay Katawan nutrients tulad ng 100% Vitamin D, high in calcium at source of protein. Mahalaga ang mga ito para lumaking malakas ang mga bata.
Ang BEAR BRAND® FORTIFIED lang din ang tanging milk brand na pinag-aralan at napatunayan ng FNRI-DOST na may 3x more available Iron tulong para laban sa micronutrient deficiency. Isang collaborative study din ang ginawa ng FNRI-DOST kung saan binigyan ang mahigit 100 public school children ng BEAR BRAND® FORTIFIED araw araw sa loob ng apat na buwan. Sinuri ang epekto nito at nadiskubre na ang mga bata ay nagpakita ng improvement sa kanilang concentration, comprehension at memory. Nagkaroon din sila ng higher levels of Iron, Zinc, at Vitamin C – mga importanteng micronutrients para sa matibay na resistensya. Batay sa pag-aaral na ito, makakamit ng mga bata ang buong benepisyo sa pag-inom ng BEAR BRAND® FORTIFIED araw-araw gamit ang tatlong kutsara (33g) sa isang baso (200ml) ng malinis na tubig.
Kaya mga Kasambuhay, nasa inyong kamay ang kalusugan ng inyong mga anak. Bigyan sila ng bagong BEAR BRAND® FORTIFIED with DOBLE TIBAY. Huwag ding kalimutan ang gabay tulad ng Pinggang Pinoy – ang food guide na nilikha ng FNRI – upang gumawa ng mga masustansyang meals na may isang serving ng energy-rich food (carbohydrates), dalawang serving ng protina, isang serving ng gulay, at isang serving ng prutas.
Sa pagpili ng tamang sangkap at tamang halaga ng pagkain, pagkakaiba-iba ng mga potahe araw-araw, at sa pagbigay ng BEAR BRAND® FORTIFIED with DOBLE TIBAY, matutugunan natin ang tamang nutrisyon na kailangan ng ating mga anak para sa kanilang matibay na resistensya at katawan.